62

By ,

Koronadal, CdO fighter panalo, Petecio nganga

Nakabangon ang Philippine boxing team sa Asian Boxing Championships nang makasikwat ng 4-1 panalo ang light flyweight boxer na si Ramel Mercado kontra Ahmadisafa Omid ng Iran, Biyernes sa Bangkok, Thailand.

Naging malamlam ang unang araw ng Philippine team sa torneo nang masugatan si Sugar Ray Ocana sa kanang kilay nang aksidenteng nakauntugan si Daisuke Narimatsu sa unang round ng kanilang light welterweight bout.

Dineklarang panalo si Narimatsu via Referee Stopped Contest due to injury (RSC-I).

Sa distaff side naman, napatumba ng 2018 World Youth Championship bronze medalist na si Irie Sena ang Pinay na si Nesthy Petecio sa score na 3-2 split decision habang naalpasan naman ni Marvin Tabamo si Aldoms Suguro ng Indonesia sa score na 3-2.

Ang torneo ay kinabibilangan ng 313 boksingero mula 34 bansa sa buong Asya.

Samantala, tinanghal naman na Asian Boxing Confederation (ASBC) Executive Committee si ABAP Secretary-General at Philippine Olympic Committee Communications Director Ed Picson.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?