20

By ,

Korona ng Thai boxer aagawin ni Sonny Boy

Aagawin ni dating World Boxing Council (WBC) flyweight champion Sonny Boy Jaro ang WBC Asian Boxing Council bantamweight belt ni Nawaphon Kaikana ng Thailand Mayo 18 sa Workpoint Studio sa Bang Phun, Thailand.

Galing sa panalo ang 37-anyos na si Jaro (45-14-5, 32 KOs) nitong Marso sa Angono, Rizal kontra Indonesian fighter Boida Simanjuntak.

Noong 2012 ay nasungkit ni Jaro ang WBC flyweight title via 6th round TKO victory kontra Pongsaklek Wonjongkam.

Noong 2016 naman ay nasikwat niya ang WBC International super flyweight crown nang pabagsakin si Marjun Pantilgan sa Makati City.

Ang 27-anyos naman na si Kaikana (44-1-1, 34 KOs) ay pinadapa si Worawatchai Boojan via unanimous decision noong Disyembre 2018.

Naiuwi din nito ang bakanteng WBC-ABC bantamweight title nang talunin si Likit Chane noong Hulyo 2018 at nadepensahan kontra Pinoy na si Richard Claveras pagsapit ng Nobyembre.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?