72

By

Korona mas matimbang kaysa MVP – Galanza

Handang panindigan ni Jema Galanza ang kanyang role bilang leader ng Creamline Cool Smashers sa 3rd Premier Volleyball League Open Conference 2019.

“Talagang mas magiging leader ako kahit hindi ako ‘yung pinakamatanda at sasabihan ko sila kung ano maitutulong ko sa kanila,” pahayag ni Galanza sa panayam ng Spin.ph.

“Tutulungan ko sila hangga’t makakaya ko. At hindi ako mapapagod, every game talaga, gagawin ko best ko,” dagdag pa nito na inako ang pagiging lider habang wala si three-time MVP Alyssa Valdez dahil sa kanyang midfoot injury at may commitment sa women’s national team kasama si Jia Morado.

Ito na ang ika-15 na laro na naninilbihang kapitan ang former Adamson star kaya naman ang pag-step up niya sa laro ay nagdadala sa kanya sa MVP race matapos lumista 13.5 points sa 14 games na laro nagdadala sa kanya sa league no.7 at 4th best spiker na may 35.89% attack rate.

Pero para sa kanya, hindi naman niya hanggad na maging isang MVP bagkus ay makuha lamang ang kampeonato sa Open Conference ay masaya na siya.

“Di ko naman siya iniisip kasi ang goal talaga namin is ‘yung championship,” sambit pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?