26

By

Korona ipinutong sa UP, reyna ng PVL!

Sharing is caring!

Dinaig ng University of the Philippines ang Far Eastern University sa limang sets, 25-20, 25-18, 23-25, 20-25, 15-13, upang makuha ang kauna-unahang kampeonato sa Premier Volleyball League Season 2 Collegiate Conference Finals series nitong Miyerkoles, Setyembre 12.

Dalawang puntos na lamang ang kinailangan ng FEU upang puwersahin ang serye sa do-or-die matchup sa darating sanang Linggo.

Ngunit binuhat ng bagong PVL MVP na si Isa Molde sa kanyang likuran ang UP para sa 8-0 run na tinapos naman ni Aya Estrañero sa pamamagitan ng kanyang service, upang maging opisyal na ang pagkorona sa UP bilang bagong kampeon.

Nakapagtala ng 22 attack points ang 1st Best Open Spiker at Finals MVP na si Molde at sina Marist Layug and Marian Buitre naman ay nakapuntos ng 12.

“Once we we’re 13-13 I expected something to happen because this is volleyball,” sabi ng UP coach Godfrey Okumu. ” FEU are more tensed and they were out of timeout just like us. It was the mind strength again that pushed us through. I think eventually we came out stronger mentally.”

Pinangunahan ni Lycha Ebon ang Lady Tams sa kanyang 13 points habang si Jerrili Malaban ay nag-ambag ng 12.

Dahil sa pagkapanalo ng UP, nakamit ng Adamson University ang third spot matapos dispatsahin ang UST.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?