38

Jan 17, 2020 @ 8:58
By

Korona iaalay ni LA sa mga taga-Batangas

Gusto nang tapusin ni LA Tenorio ang PBA Governors Cup Finals, sa lalong madaling panahon at itaas ng Ginebra ang tropeo.

Paraan aniya ito para makapagbigay ng kasiyahan sa mga kababayan niya sa Batangas na naapektuhan sa pagsabog ng Bulkang Taal.

Batangueño si LA, ipinanganak sa Nasugbu. Tubong Batangas din si Commissioner Willie Marcial.

Nagawa pang ialay ni Tenorio ang 94-72 win ng Gin Kings sa Meralco sa Game 4 nitong Miyerkoles na nagbigay sa kanila ng 3-1 edge sa best-of-seven series.

“I told the players also na we dedicate this win, and hopefully the championship, on Friday to our kababayans in Batangas,” aniya paglabas ng dugout ng Smart Araneta Coliseum.

Susubukang tapusin ng Ginebra ang serye sa Game 5 ngayong Biyernes sa MOA Arena.

“Walang ikasasaya ang mga Barangay Gnebra fans natin sa Batangas kundi ang championship,” dagdag niya. “Hopefully makuha natin sa Friday to make them smile.”

Pero kahit gustuhin ni Tenorio at ng Gins, alam nilang desperadong bumalik ang Meralco para pahabain ang serye.

Kailangan daw ng Gins ng matidning game plan.

“It needs a lot of focus and concentration again on Friday,” giit niya. “We cannot afford to give them confidence again and umabot ng Game 6 then Game 7, mahirap ‘yun.”

Tumapos si Tenorio ng 8 points, 3 rebounds at 3 assists sa panalo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?