softball
By

Korona hindi pinakawalan ng Cabuyao men’s softball

Sharing is caring!

Pinatunayang muli ng Cabuyao City men’s softball team na sila ang hari ng kanilang larangan nang padapain ang Pasig City 13-6 sa pagtatapos ng National U19 Softball Championship sa Sto. Niño Softball Field, Marikina.

Bago masikwat ang tropeo, lumusot muna sa butas ng karayom ang Cabuyao-based squad nang makaharap ang Agoncillo, Batangas 9-8 sa semis.

“Cabuyao once again proved that softball is a flourishing sport in the country. The huge leaps we’ve made in the sport is a testament to how hard everyone has been working,” saad ni Jean Henri Lhuillier, presidente ng Amateur Softball Association of the Philippines.

Ang larangan ng softball ay isa sa sporting event kung saan humahakot ng medalya ang mga Pinoy. Batay sa World Baseball Softball Confederation o WBSC, nasa ika-17 pwesto sa world rankings ang Pilipinas pagdating sa nasabing larangan.

Sa Asya, ang Pilipinas ay isa sa kinakatakutan sa softball nang makuha ang gintong medalya sa limang magkakasunod na edisyon ng SEA Games.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?