14,455

Jan 15, 2022 @ 11:46
By

Korina pumalag ulit sa mga basher: ‘Mga troll na bayaran’

Ilang araw matapos batikusin ang kanyang binura na Instagram post, binalikan ni Korina Sanchez ang kanyang mga basher at tinawag itong mga ‘troll na bayaran.’

Matatandaang noong nakaraang weekend ay binura ni Korina ang isang Instagram post kung saan ito ang caption: “Lahat nagka covid na. Ako never pa. And i’m ALL OVER. Thank you, Lord. Sadya akong pinagpala kase dami ko tinutulungan?”

Dahil dito, tinawag siya ng ilang mga netizen na ‘insensitive,’ dahilan para burahin niya ito at magpost ng bago kinabukasan.

Ani Korina, ‘miscalculation of words’ ang dahilan kaya na-misunderstood siya ng ilang mga netizen.

Ngunit dahil sa tindi ng mga binato sa kanya, nitong Enero 13 ay binalikan ni Korina ang kanyang post noong Enero 10 para magkomento at tawagin ang atensyon ng kanyang mga basher.

“So nasaan na ang mga troll na bayaran? Napagod na ba kayo? [laughing emojis]” saad ni Korina sa komento.

Maraming sumagot sa komentong ito ng broadcaster, ang ilan ay itinuloy pa rin ang pamba-bash sa kanya habang ang iba ay naunawaan naman siya sa kanyang pagkakamali. Nireplayan naman silang lahat ni Korina. (MJD)

Erik Santos bigong maging dyowa si Angeline Quinto

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?