237,831

Jan 10, 2022 @ 14:35
By

Korina pinutakte ng basher dahil sa IG post

Agad na binago ni Korina Sanchez ang caption ng kanyang Instagram post noong Linggo matapos atakihin ng mga basher na hindi nagustuhan ang kanyang mensahe na ipinababatid.

Sa una niyang post, inilagay ni Korina ang caption na: “IMAGINE. Lahat nagka covid na. Ako never pa. And Im ALL OVER. Thank you, Lord. Sadya akong pinagpala kase dami ko tinutulungan?”

Bagamat nabura na niya ito, ilang mga netizen ang nakapag-screen shot ng kanyang post at ibinahagi ito sa Twitter.

Dito ay tinawag si Korina ng ilang netizen na ‘insensitive’ sa mga taong nahihirapan dahil sa pandemya.

Kaya naman, binago na ni Korina ang caption at ito na ang nakalagay: “IMAGINE. Lahat nagka covid na. Ako never pa. And Im ALL OVER. Thank you, Lord. Sadya akong pinagpala kase baka nakakatulong yung may natutulungan din? Please bless and heal all those infected.”

Binura pa rin ni Korina ang post kahit iba na ang caption.

Sa binurang post, may isang netizen ang nagkomento ng: “Tone deaf naman po Ms Korina.”

Pumalag na dito ang broadcaster, “Talaga ba? Nagpasalamat lang na di pa na covid tone deaf na? Baka ikaw?”

At ngayong Lunes, muling nagpost si Korina at siniguro na niya ang inilagay na caption.

“Thank you Lord. So many sick and infected. Ive never been positive—- even as Im all over for work I have to do. Frontliner pa ako ngayon sa househelp and driver ko. Help me help others through this pandemic. Kaya natin ito.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?