173

Aug 3, 2020 @ 22:33
By

Korina nagbilad ng katawan

Napa-OMG ang mga follower ni Korina Sanchez nang ilantad niya ang kanyang quarantine body.

Comment ng ilang follower niya, ‘di nagpatalbog ang misis ni dating senador Mar Roxas kina Nadine Lustre at Maja Salvador.

“Pwede sumabay kina Nadine and Maja,” sabi ni zai13th.

“Bongga si madam! Ayaw pakabog! Love it!” react naman ni raicastro4.

“Omg koring!” sambit ni marialiyah22.

Sa mga larawan makikitang naka-one piece swimsuit si Korina habang umaawra sa swimming pool.

Aniya, mula sa timbang na 121 lbs bago mag-COVID ay 110 lbs na lang daw siya ngayon.

“Just to report to you: from 118 days since Day One of lockdown on March 17. 121 lbs pre-COVID, down to 110 lbs in 2 months. And I’ve been able to MAINTAIN (that’s the REAL challenge). 20-50g carbs daily ONLY. Swimming. 5 lb weights. Kaya mo rin yan!” sey ng broadcast journalist.

(IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?