316
Korina, Mar aabot ng 120-anyos dahil kina Pepe at Pilar
Apr 30, 2019 @ 18:53
By

Korina, Mar aabot ng 120-anyos dahil kina Pepe at Pilar

Naging guest sa “Magandang Buhay” si Korina Sanchez kamakailan.

Dito pinag-usapan ang natatanggap niyang pang-aalipusta na masyado na umano siyang matanda para maging first-time parent sa edad na 54 sa kambal na sina Pepe at Pilar.

Ani Koring, masyadong pessimistic ang pag-iisip ng ganoong mga basher.

“To say that it is a handicap that I’m in my 50s—and [if] this age is a handicap, parang tinitignan mo yung baso ng half-empty instead of half full. I think [what is important] is the quality of time we give them.

“Kaya alam mo bago ito, todo pa-check up ako. Even long before that talagang yung fitness and yung health [ko] chineck ko lahat yan, ibig kong sabihin, handa ako…

“God willing, we will live very long for these children. Baka maging 120 years old kami para sa mga batang ito,” paliwanag ni Korina.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?