73

Nov 1, 2019 @ 14:07

Korina kay Mar: Siya ang baby koh

Pinatunayan nina Korina Sanchez at Mar Roxas na kaya pang magtagal ng mga relasyon sa kasalukuyan, matapos nilang magdiwang nang isang dekada ng pagsasama, Oktubre 27, 2019.

Sa Facebook, kinwento ng brodkaster na nagbaligtad na sila ng gampanin kapag nagta-travel sila.

“We would travel. Dati, Ako ang baby niya. Ngayon, ewan ko ba, naging siya ang baby koh. (emoji: mukhang may nakataas na kilay, berdeng puso), #MarKorina@10,” saad ni Korina, sabay lakap ng nakangiti nilang larawan ni Mar.

Kinilig at natawa naman ang publiko sa caption ng babae, at hiniling na sana tumagal pa ang relasyon ng dalawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?