18

Jun 11, 2021 @ 20:05
By

Korina binuhay ‘Tsinelas Campaign’

Priceless para kay veteran broadcaster Korina Sanchez ang mga ngiti ng mga bata kapag nabibigyan ng bagong pares ng tsinelas.

Kaya naman ibinalik niya ang kanyang nationwide “Tsinelas Campaign”.

Aniya, marami raw sa mga bata ang walang tsinelas o sira-sira na dahil imbes ipambili nito ay ilalaan na lamang na pambili ng pagkain at gamot.

“I SO MISSED THIS. Our K Saya Saya community outreach and nationwide Tsinelas Campaign is BACK. How I missed the children. Their smiles and even tears when they receive a new pair of slippers is absolutely priceless. Like buying a ticket to Heaven each time.

“So many in need. They either have no slippers or sobrang sira sira na. And they have no money to buy a new pair. Their parents will buy food or medicine instead,” sey ni Korina sa Instagram post.

Nanawagan siya ng donasyong tsinelas para sa mga batang edad 2 hanggang 12 o kahit mga grocery item tulad ng bigas, gatas at sardinas.

“Email me korina_abs@yahoo.com. Cash is ok and we will give you a receipt. But in kind is even better so you’re sure where your money goes.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?