1,139
Korina at Mar may kambal nang anak!
By

Korina at Mar may kambal nang anak!

Masayang ibinalita ni Korina Sanchez ang pagsilang ng kambal na anak nila ni Mar Roxas.

“I think if you believe hard enough, the miracle you most want can come true. Announcing the arrival of our little boy and little girl,” sabi ni Korina sa caption ng larawan.

Humingi pa ito ng opinyon sa kanyang followers kung ano ang magandang ipangalan sa kambal.

“We’re thinking of names. Any suggestions? Jack and Jill? Sonny and Cher? MariKor and KoriMar? Daniel and Kathryn? Did you ever think it could still happen for me? I never stopped believing,” dagdag pa ni Koring.

Sa pahayag ng mag-asawa sa ABS-CBN News, kinumpirma ng mga ito na ang kambal ay “born by surrogacy from our embryos.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?