25

Jun 14, 2021 @ 14:34
By

Koreanong wanted, nadampot sa Cebu

Ipapa-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang isang South Korean na napagalamang wanted pala sa kanilang bansa sa mga kasong swindling at defrauding.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ang Korean national ay kinilalang si Kim Byunggon, 41-anyos.

Sa bisa umano ng isang mission order mula sa mga awtoridad sa Korea ay naaresto ng mga kawani ng BI si Kim sa Cebu City noong Hunyo 2.

May warrant of arrest umano ang pulisya sa Korea para mahuli si Kim kaugnay ng mga nabanggit na kaso.

“We will deport him for being an overstaying and undesirable alien. He will be placed on our immigration blacklist to prevent him from re-entering the country,” pahayag ni Morente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?