clark-airport

Koreano, timbog sa iligal na droga sa Clark airport

Sharing is caring!

Dinakip ang isang South Korean matapos makuhanan ng iligal na droga sa loob ng bagahe nito sa Clark International Airport noong Huwebes.

Nakuha sa luggage ni Kim Junho, 37, ang isang sachet ng pinatuyong marijuana at sachets ng puting sangkap na hinihinalang cocaine o shabu.

Itinurn-over na ang banyaga sa Philippine Drug Enforcement Agency-Region III para sa karagdagang imbestigasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?