132

Dec 27, 2017 @ 19:08
By

Koreano, Pinoy huli sa buy-bust sa QC

Isang Koreano at isang Filipino ang nadakip ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) Batasan Police Station 6, sa isinagawang buy – bust operation sa Old Balara, Quezon City, Martes ng gabi.

Kinilala ni P/Supt. Rossel Cejas, hepe ng Batasan Police Station 6, ang ang mga nadakip na sina Jeon Taek Sang, 45 –anyos, nakatira sa Eleganza Appartle, Mindanao Ave., QC, at Bobby Ortalla, 30 -anyos ng Upper Nawasa Republic, Fairview, QC.
Batay sa report, modus operandi ng dalawa ay pagagamitin ng libreng shabu ang mga umano’y alam nilang adik na menor-de-edad na bebot kapalit ng panandaliang aliw sa mumurahing motel sa lugar.

Nabatid na sina Sang at Ortalla ang pinanggagalingan ng shabu sa bisinidad ng Villa Beatriz sa Brgy. Old Balara at Bgy. Payatas kung saan sa kanila rin umaangkat ng iligal na droga ang mga dayong drug users

Una rito, isang impormante ang ipinagbigay alam kay Cejas sa pinagkukutaan ng dalawang tulak sa Villa Beatriz, kaya agad na nagsagawa ng buy – bust operation at nasorpresa sina Sang at Ortalla.

Nasamsam sa dalawang suspek ang P100,000 halaga ng shabu, mga paraphernalia at drug money. Sila ay nakapiit ngayon sa detention cell ng Batasan Police Staion 6 matapos sampahan ng kasong palabag sa R.A 9165 o Dangerous Drug Act of 2002 sa Quezon City Prosecutors Office.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?