89

Feb 8, 2019 @ 15:37
By

Koreano natagpuang patay sa condo

Isang Korean national ang nakitang wala nang buhay sa inuupahan nitong condominium sa Barangay Mabolo, Cebu City nitong Pebrero 8, 2019.

Kinilala ang biktima na si Jung Young Su, 40-anyos.

Ayon sa report, natagpuan ang bangkay ni Jung ng mga awtoridad bandang alas-nuwebe ng umaga nitong Biyernes sa ika-18 palapag ng condo na nasa Tres Borces Street, Barangay Mabolo.

Ipinagbigay-alam umano ng condo staff sa kapulisan ang nangyari matapos silang hingan ng tulong ng isa umanong kaibigan ni Jung pasado alas-siyete ng umaga matapos hindi siya pagbuksan at sagutin ng biktima habang nasa pintuan ng unit.

Samantala, sa inisyal na pag-iimbestiga umano ay walang senyales ng foul play sa pagkamatay ni Jung pero isasailalim ang mga labi nito sa awtopsiya para malaman ang sanhi ng kanyang kamatayan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?