217
Bagyong Falcon: Lalaki nalunod sa Cagayan River
Oct 20, 2017 @ 17:44

Koreano, nalunod sa Palawan

Dead on arrival sa Coron District Hospital ang isang Koreano matapos malunod habang naliligo sa Coral Garden Snorkeling Site CYC Island sa Barangay Lajala, Coron, Palawan.

Kinilala ang nasawi na si Park Hyunn Tae, 58-anyos, South Korean national, pansamantalang tumutuloy sa Coron Gateway Hotel.

Sa ulat ng PNP-MIMAROPA, alas-nuwebe ng umaga kahapon nang malunod ang banyaga nang mag-dive kasama ang kanyang asawa at mga kagrupo.

Bigla na lamang sumigaw ang isa sa mga kagrupo nito nang makita ang biktimang lumulutang na sa dagat.

Agad na kinuha ang bangkay ng biktima at isinakay sa bangka saka isinailalim sa cardio pulmonary resuscitation (CPR) ngunit hindi na na-revive pa.

Isinugod pa ito sa Coron District Hospital pero idineklarang dead on arrival ng mga doktor. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?