61
Koreano-nagbigti
By

Koreano nagbigti sa Okada Hotel

Sharing is caring!

Isang Koreano ang hinihinalang nagpatiwakal sa isang casino hotel sa Parañaque City.

Sa paunang ulat ng Parañaque Police kay P/Chief Supt. Tomas Apolinario, hepe ng Southern Police District (SPD), dakong ala-1:45 ng hapon ngayong Biyernes, nadiskubre ang pagpapatiwakal ng Korean.

Nakilala ito sa pangalang Lee Chang Yong, na nakitang nakabitin sa Room 933 ng Okada Hotel na nasa Seaside Drive sa Parañaque City.

Inaalam pa ang dahilan ng pagpapatiwakal nito sa loob ng hotel na sikat sa mga casino.

Iniimbestigahan din ang mga kasama nitong turista dito sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?