pamamaril1
By

Koreano binaril ng mga kidnapper, patay

Sharing is caring!

Nasawi ang isang Korean national matapos pagbabarilin ng mga lalaking diumano’y dumukot sa kanya Caloocan City noong Miyerkoles ng gabi.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, nakilala ang biktima na si Kim Woon Oh.

Sabi ni PO2 Eddielou Alon ng Caloocan City Police Community Precint (PCP) VI, naganap ang insidente alas- 9:00 ng gabi noong Miyerkoles sa Novahills Subdivision, Barangay 171, Bagumbong.

Base sa kuha ng closed circuit television (CCTV), isang kulay itim na van ang nakitang dumating sa lugar at ibinaba ang biktima at pinagbabaril ng ilang beses hanggang humandusay sa semento.

Ilang residente sa lugar ang agad na tumawag sa PCP 6 para iulat ang insidente.

Isinugod ang biktima sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital subalit hindi na ito umabot ng buhay .

Nabawi naman ang mga kagamitan ng biktima kanilang ang wallet na naglalaman ng P4,700, driver’s license, credit card, at room card sa City of Dreams.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis sa kaso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?