245

Dec 30, 2017 @ 18:30
By

Korean stars wagi sa puso ng Pinoy ngayong 2017

Dinomina ng Korean stars ang puso ng mga Pinoy na talaga namang kinabaliwan at kinaadikan hindi lang ng karaniwang tao kundi maging mga kilalang celebrities tulad nina Kris Aquino, Jinkee Pacquiao at maging ang asawa nitong si Manny ay nakakahiligan na rin. ‘Ika nga huling-huli ang kiliti ng mga Pinoy sa kakaibang karisma ng mga ito.

1. SONGSONG WEDDING

SIMULA nang sorpresahin nina Song Joong Ki at Song Hye Kyo ang mga fans nila sa buong mundo tungkol sa kanilang engagement at planong pagpapakasal noong July 5 ng taong ito, pinag-usapan na at nag-trending din, hindi lamang sa Korea kung hindi maging sa ibang bansa ang pagiging real life couple ng mga bida ng Descendants of the Sun.

Marami ang nag-abang at nag-trending ang kanilang kasal noong October 31 na ginanap sa The Shilla Hotel in Seoul. Dinaluhan din ito ng ilan sa mga kilalang Korean actors, actress at K pop singers. Maging ang Dispatch ay sinabing sila ang best couple of the century.

2. KIM JONGHYUN DEATH

NAGULANTANG ang Korean entertainment, lalo na ang K-pop world noong December 18 dahil sa balitang nag-suicide ang lead singer ng boy band na SHINee na si Kim Jonghyun.

Wala halos nakakaalam na ang masayahin at kilalang mabait na si Jonghyun ay may matinding depression na palang pinagdadaanan. Nagpakamatay ito sa pamamagitan ng carbon monoxide poisoning.

Napakaraming lumuha kabilang na ang mga katulad niyang K-pop singers at mga fans ni Jonghyun at ng kanilang banda.

3. BIGBANG’s T.O.P MARIJUANA CASE

ANG Big Bang ang isa sa mga pinakasikat na K-pop boy group sa South Korea kaya naman isang malaking scandal nang lumabas ang balitang nahulihan si T.O.P na gumagamit ng marijuana. Naganap ang imbestigasyon sa kaso niya ng illegal drug use mula October hanggang December 2016.

Nag-plead ng guilty at humingi ng public apology, lalo na sa mga fans niya si T.O.P na si Choi Seung-Hyun sa totoong buhay. Binigyan siya ng 10-month jail terms at two-year suspension. Bukod dito, naganap pa ang lahat habang nagsi-serve siya ng kanyang mandatory military duty sa Gangnam Police bilang pubic worker.

4.KIM WOO BIN CANCER

AT the prime of his life, pero ngayon ay kasalukuyan pa ring nakikipaglaban sa sakit na cancer ang model turned actor na si Kim Woo Bin.

Nasopharyngeal cancer ang tumama kay Woo Bin at naging malaking balita rin ito nang ianunsiyo ng kanyang agency, ang SIDUS HQ, na pansamantala munang mawawala sa limelight si Woo Bin para tumanggap ng treatment at magpagaling.

Nangyari ang announcement ng diagnosis ni Woo Bin noong May 24, simula noon, hindi pa ito nakikita ng publiko at ang balita pa lamang ay natapos na ang first round ng chemotherapy at may 22 pounds na ang timbang na nababawas sa kanya.

Ang kanyang girlfriend, model/actress na si Shi Min Ah naman ay isa sa nag-aalaga at nagpapalakas ng loob ni Woo Bin.

5. KIM JOO HYUK DEATH

ISA rin sa malungkot na pinag-usapan sa South Korea at gayundin sa ibang bansa ay ang kamatayan ni Kim Joo Hyuk. Naaksidente ito noong October 30 habang minamaneho ang kanyang sasakyan. Base sa autopsy result, hindi heart attack kung hindi cranial fracture ang kinasawi ng actor.

Bukod sa kanyang girlfriend, South Korean actress Lee Yoo Young, ang mga naging kasamahan niya sa kanyang mga drama at sa variety show na 2 Days 1 Night ang talagang nagulat at nagdalamhati sa kanyang pagpanaw.

6. RAIN & KIM TAE HEE’S WEDDING

IKINASAL noong January 19 sa pamamagitan ng isang simpleng seremonya ang dalawa sa mga sikat na Korean stars, sina Rain at Kim Tae Hee at naging mga magulang ng kanilang baby girl noong October 25 ng taong ito.

Sa panayam kay Rain kamakailan lang, nagpahayag ito ng pagsisisi kung bakit isang simpleng kasal lang daw ang naibigay niya sa kanyang asawa.

7. LEE SEUNG GI’S MILITARY DISCHARGE

PINAKA-MAINGAY at pinaka-pinag-usapan na yata sa lahat ng male South Korean celebrities na nag-mandatory military service si Lee Seung Gi at lalo na ang kanyang paglabas noong October 31.

Bukod sa napakaraming bilang ng mga fans na sumalubong sa kanya, ang naging accomplishments niya bilang member ng Black Panther o Special Forces at ang mga awards niya ang pinag-usapan, maging sa serious news program sa South Korea. Bukod dito, ang naging pangako niya sa mga fans na “they’ll be sick and tired” dahil madalas daw siyang mapapanood.

Tinotoo nga niya ang mga pangakong ito na bago pa matapos ang taong 2017, nag-pilot na ang kanyang bagong drama, ang Hwayugi na hanggang ngayon ay pinag-uusapan dahil sa mga positibong reviews at ilang aksidente na naganap sa set. Bukod pa sa Hwayugi, pilot na rin ngayong araw na ito ang bago niyang variety show, ang Jipsabu ng SBS. Sa lahat, si Lee Seung Gi lang din ang binigyan ng “Welcome Award” ng Asian Artist Awards.

8. LEE MIN HO & JI CHANG WOOK MILITARY ENLISTMENT

DALAWA sa mga Top Korean male stars ang pinag-usapan ang military enlistment, sina Lee Min Ho at Ji Chang Wook. Dumating daw “in style” si Min Ho sa Gangnam Police Station bilang public service worker noong May 12. Dalawang beses naaksidente si Min Ho kaya masasabing excuse ito sa mga extreme military trainings.

Si Ji Chang Wook naman ay nag-enlist noong August 14 bilang active duty soldier, isang buwan pagkatapos nitong gawin ang kanyang huling drama, ang Suspicious Partner.

Parehong inaasahang matatapos nila ang kanilang mandatory military service sa loob ng 21 months.

9. BTS

ANG boy group na BTS ang maituturing na isa sa pinakasikat ngayong 2017. Mas lalo ring dumami ang mga K-pop addicts na umiidolo sa kanila. Pinag-usapan hindi lang ang bago nilang album, kung hindi maging ang appearance nila sa America. Ang BTS din ang kauna-unahang South Korean boy group na nag-perform sa American Music Awards. Sila rin ang kauna-unahang K-pop group to reach 10 million followers on Twitter at nanalo sa Billboard Music Award.

10. LEE MIN HO & BAE SUZY’S BREAK-UP

AFTER two years of dating, parehong kinumpirma ng kanilang mga agency na break na nga sina Lee Min Ho at Bae Suzy. Siyempre, ikinalungkot ito ng mga K-Drama fans, lalo na ng kanilang mga fans.

Ilang beses na ring napapabalita na break na raw sila since they started dating last 2015, pero ngayong November lang ito officially confirmed. Nag-trending din sa Twitter ang naturang break-up.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?