37
Dating aide ng pinaslang na Tanauan mayor, 1 pa dinukot sa Laguna
Jan 22, 2020 @ 18:03
By

Korean na dinukot ng kababayan nasagip

Na-rescue ng Philippine National Police-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) Martes ng hapon ang isang Korean national na dinukot ng kanyang kababayan.

Sa ulat ni AKG Luzon Field Unit chief Lt. Col. Villaflor Bannawagan, kinilala nito ang biktima na si Kim Byeong Mo, 19, habang ang suspek na kababayan nito at kasalukuyang nasa kustodiya ng PNP-AKG ay nakilalang si Na Jin Suk.

Nabatid pa kay Bannawagan na nasagip ang biktima dakong alas-3:00 ng hapon nitong Martes sa isang establisyimento sa Concepcion St., sa Ermita, Maynila matapos ang isinagawang joint operation ng AKG at Manila Police District.

Ang operasyon ay nag-ugat matapos humingi ng tulong ang Korean police sa PNP-AKG hinggil sa pagkakadukot umano sa biktima.

Napag-alaman na ang biktimang Koreano, isang college student, ay dumating sa bansa matapos na alukin ito ng trabaho ng kanyang college senior subalit nalaman nito na ang kompanyang kanyang pinagtatrabahuhan ay sangkot sa mga iligal na aktibidades.

Ayon sa biktima, ang kompanya na kanyang pinasukan ay sangkot sa telephone fraud na kung tawagin ay “voice phising”, na ang layunin ay mangotong ng pera sa mga tao.

Patuloy naman ang ginagawang masusing imbestigasyon hinggil sa kaso partikular sa partisipasyon ng ilang mga kasamahan ng suspek sa kanilang iligal na gawain

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?