427

Nov 16, 2018 @ 11:46
By

Korean language subject ‘di para sa lahat – DepEd Usec Sevilla

Ipinagtanggol ng Department of Education (DepEd) ang pagsulong ng Korean language bilang isa sa mga asignatura para sa mga eskuwelahan sa susunod na semestre.

Ayon kay DepEd Undersecretary Annalyn Sevilla, tanging mga mag-aaral lang mula sa mga may matatas ng kamalayan sa Filipino ang Ingles na lenguwahe ang puwedeng makakuha ng Korean language subject.

Mula Grade 7 hanggang Grade 12 lang umano ito io-offer sa mga eskuwelahan.

“By the way ang mga kukunin lang natin na mga estudyante pala ay yung meron ng mastery ng English at Filipino. Hindi tayo kukuha ng mga estudyante na basta-basta lamang merong interes o gusto,” saad ni Sevilla sa GMA news cast na Unang Balita.

Lalarga na sa 10 pampublikong paaralan ang nasabing asignatura, na naging resulta ng kasunduan ng DepEd at ng embahada ng Korea dito sa bansa.

Hindi rin dapat mangamba ang mga Pilipino dahil noon pa man ay may mga itinuturo nang mga banyagang lenguwahe sa ‘Pinas, ito ay ang Spanish, Nihonggo, French, German, Mandarin, at ngayon ay Korean.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?