64

By

Korean language ituturo sa ilang paaralan sa Metro Manila

Sharing is caring!

Masuwerteng madadagdagan ang kaalaman ng ilang estudyante sa ilang eskuwelahan sa Metro Manila.

Ito’ matapos ihayag ng Department of Education (DepEd) na ituturo ang Korean language sa ilang pampublikong paaralan sa Metro Manila ngayong semester.

Sampung paaralan sa Metro Manila ang napili ng DepEd para turuan ng Korean language kabilang ang mga sumusunod:

·       Las Piñas National High School

·       Jose Abad Santos High School

·       Kalayaan High School

·       Pasay City National Science High School

·       San Bartolome High School

·       North Fairview High School

·       Maligaya High School

·       Judge Feliciano Belmonte Sr. High School

·       Lagro High School

·       Marati High School

Mula Grades 7 hanggang 12 ang mabibiyayaan ng kaalaman sa Korean language.

Ang hakbang ng DepEd ay kasunod ng desisyon ng Korte Suprema na alisin ang temporary restraining order sa Commission on Higher Education memorandum na nagtatanggal sa Filipino at Panitikan bilang core college courses.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?