136

Jun 20, 2021 @ 21:31
By

Korean coach: Hindi namin karibal ang ‘Pinas

Hindi pa tapos ang paandar ng head coach ng basketball team ng South Korea sa Gilas Pilipinas.

Matatandaang noong unang nagharap ang dalawang koponan noong Miyerkules ay sinabi ni Korean coach Cho Sang Hyun na ‘lucky shot’ lang ang pampanalong tira ni Gilas guard SJ Belangel.

At matapos muling mabigo ang kanyang koponan laban sa mas bagitong Pinoy squad nitong Linggo, 82-77, muling binira ni Cho ang rivalry ng Gilas at Korea.

Sa post-game interview, sinabi ng banyagang coach na hindi niya itinuring na karibal ng Korea ang Pilipinas pagdating sa basketball.

“Personally, I didn’t think of the Philippines as a rival but I always find very useful things after playing against the Philippines. That’s what my perspective of this game,” pahayag ni Cho sa pamamagitan ng isang translator.

Si Cho ay dati ring manlalaro ng Korean national team at kasama sa lineup sa 2002 Busan Asian Games kung saan tinalo ng kanyang bansa ang Pilipinas sa isang buzzer–beater ni Lee Sang Min.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?