171

Nov 19, 2017 @ 8:05
By

Korean boy band na BTS nagpasiklab sa US TV shows

Dumating sa Los Angeles noong November 14 ang isa sa pinakasikat na boy band sa Korea, ang BTS para sa kanilang magiging performance sa American Music Award kahapon, November 19.

Ang kanilang hit song na DNA ang naging performance nila. Ang BTS din ang kauna-unahang K pop group na nag-perform sa American Music Award.

Bukod sa kanilang performance rito, nag-guest din sila sa The Late Late Show with James Corden, Jimmy Kimmel Live at The Ellen deGeneres Show. Sa lahat ng ito, naging mainit ang pagtanggap sa BTS mula pa lamang sa pagdating nila sa U.S.

Sa isang banda, siguradong matutuwa naman ang mga fans ng BTS, mostly the teenagers sa treat nila ngayong Holiday. Pagkatapos ipakita ang preview ng video ng BTS’s 2018, dapat ng paghandaan ang BTS’s 2018 Season’s Greetings group and individual teaser images.

Ang 2018 season’s greetings ay naglalaman ng craft box envelope, outbox, desk calendar, diary, making DVD, photo frame, postcard, stamp sticker, pencil, ID photo, and large craft envelope.

At dahil karamihan ng mga fans ng BTS ay mga kabataan at teenagers, hindi na kami magtataka kung halos karamihan dito, ito ang hihilinging Christmas gift nila ngayon. (Rose Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?