168

Sep 9, 2020 @ 21:40
By

Korean actress kinutya English accent ng Pinoy, binoykot

Hindi natuwa ang mga netizen sa kumalat na video kung saan isang South Korean actress ang pinagkatuwaan kung paano magsalita ng lengguwaheng English ang mga Pilipino.

Ayon sa video, si Lee Da-hae ang aktres.

Sa isang show, ginaya niya ang sa tingin niya’y paraan ng mga Pilipino sa pagsasalita ng English.

Kinumpara niya ito sa American at British accent.

“Excuse me. I’m a little bit thirsty, so can I have a glass of water please. Thank you,” sinambit ni Lee Da-hae gamit ang tatlong nabanggit na accent.

Tawanan ang mga host ng show sa ginawa ni Lee Da-hae pati na mga audience.

Lalo itong nakadagdag sa panawagan ng mga netizen na #cancelkorea, na nag-trending ngayong Miyerkoles sa Twitter Philippines.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?