193

Dec 22, 2018 @ 16:21
By

Korean actor So Ji-sub, bibisita sa ‘Pinas

Good news sa mga fan ng Korean actor na si So Ji-sub.

Sa darating na March 16, 2019 ay magkakaroon ito ng fan meeting sa Manila.

Inanunsiyo ito ng 51K Management agency sa Instagram nitong Biyernes.

Magsisimula ang fan meeting na “So Ji-sub Hello Asia Tour” sa Taipei sa Pebrero ng susunod na taon.

Kasama sa bibisitahin ni Ji-sub ang Chiba, Kobe, Bangkok, Jakarta at Hong Kong.

Si Ji-sub ay kilala sa Korean dramas na “I’m Sorry, I Love You” (2004); “Master’s Sun” (2013); at “Oh My Venus” (2015).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?