448

Oct 20, 2021 @ 20:25
By

Korean actor pinuwersa dyowa na magpalaglag

Usap-usapan online ang pag-amin ng isang South Korean actor tungkol sa pagpapa-abort sa kanyang ex-girlfriend.

Ayon sa South China Morning Post report, nag-public apology nitong Miyerkoles si “Hometown Cha-Cha-Cha” star Kim Seon-ho sa pagpapalaglag sa kanyang anak.

Kinumpirma ng 35-year-old actor ang abortion rumors sa pahayag na inilabas ng kanyang management na Salt Entertainment.

Nagmitsa ng kaguluhan sa South Korea ang isyu matapos isang anonymous writer ang nag-post online noong Lunes at sinabing siya ang ex-girlfriend ng sikat na aktor.

Ibinunyag ng anonymous writer na nilinlang siya ni Seon-ho tungkol sa kanilang relasyon at pinilit na magpalaglag upang protektahan ang kanyang career.

Sa pamamagitan ng inilabas na pahayag ay humingi ng paumanhin si Seon-ho sa kanyang GF.

“I was seeing her with good emotions. In that process, I hurt her due to my carelessness and inconsiderate actions. I wanted to meet and apologise to her directly, but I am not able to properly convey the apology now and am waiting for that time to come. For now, I would like to genuinely apologise to her through this statement,” lahad ni Seon-ho.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?