62

Aug 18, 2018 @ 16:37
By

Korean actor naabala sa problema sa NAIA

Kabilang ang South Korean star na si Alexander Lee na naabala at na-delay ang flight dahil sa pagsadsad ng isang Chinese airline plane sa runway ng NAIA noong nakaraang August 17.

May scheduled flight to Manila si Xander noong araw na iyon at natengga siya sa Incheon Airport in South Korea dahil sa kaganapan sa NAIA. Nalaman din ni Xander na marami ring mga Pinoy ang naabala ang flight dahil sinara pansamantala ang runway hanggang hindi pa naaalis ang naturang eroplano.

Mababasa sa magkakasunod na tweet ni Xander ang kanyang pagkabagot sa airport dahil gusto na raw niyang makalipad papuntang Pilipinas.

“Naku! Just wanna go back to Manila BUT Manila airport is temporarily closed (got some issue last night). THEREFORE, my flight got delayed to TOMORROW morning!!! Woohoo!!! STUCK in the airport! Life is full of unexpected events. Makes my life more interesting. LOL ”

“No no no~ I’m stuck in Korea, Incheon Airport. Cannot fly to Manila becuz the airport there has shut down. But don’t worry. I’m going to the airport hotel. How come? Cuz Korean airlines are DOPE. Perfect customer services.”

Kahit nga raw kilala ang ating bansa sa matinding traffic at sa mga delayed flights, gusto pa rin daw balik-balikan ni Xander ang ating bansa dahil marami siyang natututunan dito.

“Hahaha! True, it’s more FUN in the Philippines! But seriously, with all the traffic jam n domestic airlines always delaying, Philippines had trained me to be a more patient person na talaga. Learnt to chill n relax more. (Except during taping)” ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?