124

Jul 10, 2019 @ 14:40
By

Korean actor inaresto sa rape

Inaresto sa kanyang bahay si Kang Ji Hwan nitong July 10 dahil sa panghahalay ng dalawang babae.

Nakilala ang 42-anyos na Korean actor sa mga role niya sa “Coffee House” at “Monster”.

Ayon sa report, nalasing si Kang Ji Hwan kasama ang dalawang babaeng binansagang sina “A” at “B” noong July 9.

Nang makatulog, dito na umano hinalay ni Kang Ji Hwan si “A” habang minolestiya naman si “B”.

Depensa ni Kang sa mga pulis, wala siyang maalala dahil sa sobrang kalasingan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?