32
views
abante korean andy
By

Korean actor Andy Ryu lalayas na ng Pinas

Sharing is caring!

Anytime this week, babalik na ang Koren actor na si Andy Ryu sa South Korea dahil nakunan na ang lahat ng mga eksena niya para sa ‘My Korean Jagiya’, ang top-rating primetime romantic comedy series ng GMA 7 na magtatapos sa January 12, 2018.

Malungkot na aalis si Andy dahil sa isa at kalahating buwan na pamamalagi nito sa Pilipinas, natutunan niya na mahalin ang ating bansa, ang kanyang mga co-star at ang production staff ng ‘My Korean Jagiya’.

Nangako si Andy na magbabalik sa Pilipinas at umaasa siya na magkakaroon ng ibang mga oportunidad sa local entertainment industry.

Si Andy ang gumanap na third wheel sa love story ng mga karakter nina Alexander Lee at Heart Evangelista sa ‘My Korean Jagiya’.

Nalalapit na rin ang pag-alis ni Alexander sa Pilipinas pero tiyak na magbabalik ito dahil may kontrata siya sa GMA Artist Center. (Jojo Gabinete)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?