137

Sep 24, 2017 @ 19:03

Korean actor Alexander Lee, problemado sa trapik sa Manila!

‘Nooooooo!’ rin sa underwear fashion show!

Alam ni Alexander Lee na may underwear fashion show ang Bench sa November 2017 dahil may reaksyon ang Korean actor nang tanungin kung papayag ba siya na rumampa bilang model?

“Nooo!” ang mabilis na sagot ni Alexander na aminado na hindi pa confident sa kanyang katawan kaya pumupunta siya sa gym kapag walang taping para sa My Korean Jagiya.

Napag-usapan ang pagrampa sa isang fashion show na underwear lang ang suot dahil hindi nakumbinsi si Alexander na ipakita ang topless body sa isang eksena ng My Korean Jagiya pero pumayag siya sa “bottomless” scene.

“I have a “bottomless” scene already. I’m just wearing my brief. Everybody told me they do topless, shirtless. I said, I’m not ready yet. I’m still going to the gym.

“Everybody’s doing topless so why not do bottomless? So I did bottomless and it’s very awkward coz’ everybody captured it on Twitter. And everybody’s focused on my bottomless, not the story. They’re like talking about my legs, haay…” ang nagtataka na kuwento ni Alexander.

Bumalik na sa South Korea ang nanay ni Alexander na binisita ang anak na matagal nang hindi nakikita nang personal. Ikinuwento ni Alexander na gustong-gusto ng kanyang Korean mother ang Pilipinas.

“I’m very happy my mom and sister because they came here. We went to watch a movie together. We went to Venice McKinley Mall. Very nice.

“I’m happy. Everywhere I go, people recognize me. My mom said, ‘I love the Philippines. Should I move here?’

“She likes it here. Everything’s good. It’s not too expensive. People are nice. Less stress. The only problem is the traffic. Hay nakooo, one- and- a half hour from Makati to Quezon City and one hour to get Uber,” ang hinaing ni Alexander pero natutuwa dahil sa bagong Tagalog words na natutunan , ang “Isuko mo ang Bataan!” na “Give me your flower” ang pagkakaintindi niya. (JOJO GABINETE)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?