95

Nov 23, 2021 @ 17:45
By

Korapsyon sa DSWD Region 11, binuking ni Ping

Kinuwestyon ni Senador Ping Lacson ang kawalan ng aksyon sa isyu ng pa-sweldo sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Region 11, kung saan ang halagang P1 milyon na nakalaan para sa employees’ travel allowance (TEV) ay inilipat umano sa account ng isang administrative assistant, at pinagtakpan ito ng isang opisyal.

“We should not wait for the other cases. This is pretty solid. There were victims. By now, one year later, dapat nasa Ombudsman na siguro ito. Kung now wala pang progress, we cannot expect any more action on this matter,” sabi ni Lacson sa deliberasyon ng 2022 badyet ng DSWD.

Base ito sa reklamo ni Audrie Perez na dating Pangulo ng Social Welfare Employees Association of the Philippines (SWEAP). Sabi ni Lacson, nangyari ang insidente bandang Oktubre 2020.

Ayon sa reklamo, isang DSWD staff na Pantawid Field Implementer ang pumunta sa San Pedro branch ng Land Bank of the Philippines para humingi ng tulong matapos hindi maideposit sa kanyang account ang kanyang TEV.

Napag-alaman nila na maging ang TEV ng ibang regional staff ay dineposito sa account ng isang Ireneo Suerto na isang administrative assistant na incharge sa paghahanda ng payroll.

Ngunit sa kabila ng naturang insidente, hindi nila sinesante o sinampahan man lang ng kaso si Suerto, maging ang hindi pag-renew ng kontrata nito noong December 2020.

“Worse, a certain Margie Cabido (Pantawid Program Division Chief) ordered to keep the incident a ‘secret’. This complaint has also been elevated to Secretary Rolando Bautista, but no investigation has been conducted until now,” saad ni Lacson.

“That’s why out of desperation, Mr. Perez sought the assistance of other officials in Congress,” dagdag ng senador.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?