60

Nov 18, 2019 @ 18:26
By

Korapsyon nangangamoy sa POGO?

Nangangamoy korapsyon umano sa loob ng mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), ayon kay Minority Leader at Manila 6th District Representative Bienvenido Abante Jr. sa isinagawang pagpupulong ng House Committee on Ways and Means.

“I can smell corruption in the POGO online gaming…Unless PAGCOR officials tell otherwise,” aniya.

Kinumpirma naman ni Deputy Speaker Johnny Ty Pimentel na mayroon talaga sa 60 POGO operators ang hindi nagrereport ng kanilang total income sa gobyerno.

Dahil dito, inatasan ni Pimentel ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na paghigpitan ang kanilang auditing nang sa gayon ay hindi nalalamangan ng POGO ang administrasyong Duterte.

“I’m very sure [that] out of these 60, the POGO operators are scheming [and are] not reporting their total income,” ani Pimentel.

“PAGCOR should strictly enforce auditing so government is not shortchanged by the POGO,” sabi pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?