21

Sep 29, 2020 @ 8:54
By

Korapsiyon ‘di ko maaawat! Duterte gusto na mag-resign

Dahil sawa na aniya siya sa katiwalian, inalok daw ni Pangulong Rodrigo Duterte na magbitiw siya sa puwesto.

“I offered to resign as President. Pinatawag ko ‘yung lahat ng [nasa Gabinete]. Sabi ko na I have, kasi nagsasawa na ako [sa korapsiyon],” wika ng Pangulo sa kanyang mensahe sa bayan kagabi, Setyembre 28.

“Talagang wala nang katapusan itong corruption. Mahirap talaga pigilin.”

“Even with the investigation or the clamor for government to shake the tree, wala. Hanggang ngayon, it’s being committed every day. Can you stop it? You cannot, there is no way,” aniya pa.

Gayunman, sinabi ni Duterte na handa siyang humarap sa Kongreso para matalakay paano nila lalabanan ang katiwalian sa gobyerno.

“I appeal again to Congress, I cannot fight corruption…I cannot find a way to move who are almost resistant to finding fault and resisting moves of government to improve. Congress might want to enact a legislation,” sambit niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?