71
boracay

Kontrobersiyal na resort sa Boracay, ipinasara na

Sharing is caring!

Ipinasara na ng lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan ang kontrobersyal na Boracay West Cove resort dahil sa patuloy na pag-ooperate ng walang business at iba pang permit.

Isinilbi ng mga tauhan ng Munisipyo ang closure order sa resort na matatagpuan sa Barangay Balabag.

Nitong nakaraan buwan ay personal na nagtungo sa resort si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu at ipinag-utos ang pagbaklas ng mga illegal na istruktura kabilang ang nakatayo sa ibabaw ng mga rock formation.

Kinansela na ng DENR ang 25-taon na Forest Land Use Agreement for Tourism Purposes (FLAgT) na inisyu sa naturang resort.

Sa ilalim ng FLAgT, pinapayagan ang pansamantalang paggamit sa anumang forest land para sa turismo sa loob ng 25 taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?