141
duterte

Kontrobersiyal na halik ni Duterte sa OFW, patok sa foreign media

Headline sa iba’t ibang media outlet sa buong mundo ang kontrobersiyal na halik ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang overseas Filipino worker (OFW) sa South Korea.

Ilan sa mga media outfits na nag-report ay ang Daily Mail, Buzzfeed, New York Times, Huffost, BBC News, Straits Times, news.com.au, Sky News at Telegram.

Maging ang wire services na Associated Press at Reuters ay gumawa rin ng istorya ay nalathala sa Washington Post, Japan Times, and the Seattle Times.

Sabi sa report ng Huffpost, na-pressure diumano ang Pinay na si Bea Kim para halikan si Duterte.

Umani naman ng batikos mula sa oposisyon ng ginawang paghalik ng Pangulo sa OFW.

Pero giit ni Kim, wala namang malisya ang halik na iyon sa kanya ni Duterte.

Aniya, pampakilig lang diumano sa audience ang paghalik na iyon sa kanya ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?