45

Dec 21, 2017 @ 11:40
By

Kontrata sa lowest bidder, ugat ng korapsiyon – Duterte

Personal na binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pasyenteng beterano sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) at nag-donate ng P100 milyon para bumili ng mga bagong kagamitan.

Karamihan sa mga pasyente ay may malubhang sakit at sumasailalim sa hemodialysis.

Nangako ang Pangulo na dadagdagan ang ibinigay na pondo bago matapos ang taon na manggagaling sa kita ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Inatasan ng Pangulo si VMMC Director Dominador Chiong Jr. na bumili ng de-kalidad na mga kagamitan para sa mga pasyente at huwag ibigay ang kontrata sa lowest bidder dahil ito ang pinagmumulan ng korapsiyon.

“Buy the best,huwag yung lowest bid… I want quality. Quality ako,” ang pahayag ng Pangulo.

Sa anibersaryo ng Armed Forces of the Philippines noong Miyerkules ay inihayag ng Pangulo na bibigyan niya ng buwanang subsidiya ang VMMC at may subsidiya rin para sa gamot at maintenance ang mga retiradong sundalo.

“I will be giving monthly subsidy to the hospital. I will subsidize yung medicines, especially those who are…Well, they need the management for bills. It’s P50 million monthly para sa AFP.

For those who are retired, I know that you have medicines to take, management for all that kind of ailment that a soldier suffers when he retires,” dagdag pa ng Pangulo. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?