140
Kontrata sa Kaliwa Dam project, handang isapubliko ng Malacañang
By

Kontrata sa Kaliwa Dam project, handang isapubliko ng Malacañang

Nakahanda ang Malacañang na isapubliko ang mga dokumento sa Kaliwa Dam project basta naaayon sa panuntunan ng Freedom of Information o FOI.

Ito ang inihayag ni Executive Secretary Salvador Medialdea kasunod ng panawagan ng ilang grupo na isapubliko ng gobyerno ang kasunduang pinasok sa China kaugnay sa nabanggit na proyekto.

Ayon kay Medialdea, may polisiya ang Duterte administration na maging transparent sa lahat ng mga transaksiyon sa gobyerno at susunod sila sa panuntunan ng FOI.

Marami agad ang nagduda sa Kaliwa Dam project na ang China ang gagawa kaya nais ng ilang grupo na makita ang kontrata o kasunduan para matiyak na hindi madedehado ang bansa at magiging paborable ang proyekto para sa mga Pilipino.

Nabuhay ang usapin sa Kaliwa Dam project makaraang dumanas ng kakapusan ng supply ng tubig ang maraming lugar sa Metro Manila na sineserbisyuhan ng water concessionaire na Manila Water.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?