110

By

Kontrata ng Viva, iligal daw! Nadine handa sa demandahan

Hindi aatras ang kampo ni Nadine Lustre sakaling umabot sa korte ang pakikipagkalas nito sa VIVA Artists Agency.

Saad ng abogado ni Nadine na si Lorna Kapunan, sila’y handa sa anumang kaso na ihahain ng Viva na nanakot ng breach of contract sakaling pumirma ito sa iba.

“We welcome any legal action by Viva so their unconscionable, oppressive and illegal contract with Nadine (and their other artists) can be litigated in the proper forum,” ayon sa statement ng abogado ni Nadine.

Matatandaan na sinabi ni Nadine na nais muna niyang i-manage ang kanyang sarili pansamantala, ibig sabihin nito ay ang pagkalas niya sa Viva.

Ngunit pumalag ang Viva, sinabi na hindi pwedeng biglang mag-anunsyo si Nadine nang wala pang napagkakasunduan sa pagitan ng dalawang kampo.

“Viva lawyers have not replied to our earlier letters but chose to wait in ambush to malign Nadine and harass third parties dealing with her in good faith. This is wrongful and malicious contract interference by Viva actionable in law for damages,” saad ni Kapunan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?