548
Kontra sa handbook revision: Mga PUP student naghagis ng damit mula 6th floor
Aug 5, 2019 @ 20:57
By

Kontra sa handbook revision: Mga PUP student naghagis ng damit mula 6th floor

Iba’t ibang pakulo ang ginawa ng mga mag-aaral ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) ngayong araw upang kundenahin ang isinagawang rebisyon ng student handbook na diumano’y may mga anti-estudyanteng probisyon.

Kita sa mga larawan mula sa publikasyong “The Catalyst” na bukod sa pagmartsa sa eskwela, nagtapon ng damit mula sa ikaanim na palapag, nagguhit gamit ang pulang tinta sa mga pinto, at nagtanghal ang mga mag-aaral ng “performance protest” sa kalsada para ipahayag ang kanilang pagtutol.

Ayon sa mga grupo, inaalmahan nila ang pagrerebisa na inaprubahan ngayong araw dahil sa ilang pagbabago, gaya ng pagkakaroon ng dress code, pagtulak ng mandatory drug testing, at pagtaas ng maintaining GWA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?