27

Sep 9, 2021 @ 21:49
By

Konting luwag sa mga bakunado giit ng mga mayor

Nanawagan sa gobyerno ang 17 mayor sa Metro Manila na magluwag naman nang konti sa mga fully vaccinated na laban sa COVID-19 sa rehiyon.

Sa inilabas na Resolution No. 21-19, iginiit ng Metro Manila Council (MMC) sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na ikonsidera ang pagluwag sa COVID-19 restrictions sa mga bakunado na.

Punto ng mga Metro Manila mayor, hindi lamang nito mapapalakas ang trabaho, industriya, serbisyo at iba pang may kinalaman sa ekonomiya kundi makakaakit sa iba na magpabakuna na rin at maabot agad ang herd immunity sa lalong madaling panahon.

Tinukuran ito ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion.

“The call of the MMC is in line with the Bakuna Bubble model Go Negosyo has been pushing for providing mobility to fully vaccinated individuals to help revive the economy,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?