98
DTI
By

Konti lang ang pagtaas sa presyo ng bilihin dahil sa TRAIN law – DTI

Sharing is caring!

Pinapawi ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pangamba ng publiko na lolobo ang presyo ng mga pangunahing bilihin nang dahil sa pagtataas ng buwis sa mga produktong petrolyo.

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, katiting lang ang epekto ng presyo ng petrolyo sa mga bilihin,.

“Huwag mangamba ang mga mamimili na magtataas ang presyo ng lahat. Maliit lang ang epekto nito sa suggested retail prices,” diin ni Lopez.

Sa pagtaya umano ng DTI, wala pang 5 % ang gastos ng mga manufacturer sa transportasyon kung saan ginagamit ang gasoline o diesel.

Halos 0.4 % lang umano ang epekto nito sa kabuuang production cost ng produkto.

Kung magtataas ang presyo ng bilihin, nasa P0.2 hanggang P0.11 lamang para sa sardinas, corned beef, instant noodles, loaf bread, sabon, meat loaf, gatas na kondensada at ebaporada.

Sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law o Republic Act No. 10963, papatawan na ngayong taon ng P2.50 ang excise tax ng bawat litro ng diesel samantalang exempted ito dati.

Tataas naman ngayon sa P7 mula sa P4.35 ang buwis sa bawat litro ng gasoline.

Tataas itong muli kada taon hanggang sa taong 2020.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,