131
Metro Manila Subway ‘di matitibag ng kalamidad – Tugade
May 21, 2019 @ 11:59
By

Konstruksyon ng P106B Clark railway pinamamadali ni Tugade

Kinausap ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang mga Filipino at Japanese construction firms na nasa likod ng 38-kilometer Tutuban to Malolos North-South Commuter Railway project na dapat na makapagsimula na ang operasyon nito sa 2021.

Nitong Lunes, lumagda si Tugade at ang mga opisyal ng Taisei Corp. at D.M. Consunji Inc. (DMCI) sa kontrata para sa konstruksyon ng Philippine National Railways (PNR) Clark Phase 1.

Mayroong 2 packages ang Phase 1 ng naturang proyekto: Mula Tutuban patungong Bocaue at Bocaue patungong Malolos.

Kapag natapos ang naturang proyekto bago matapos ang termino ni Pangulong Duterte sa 2022, inaasahan na ang P106-billion railway ay makapagsisilbi sa tinatayang 350,000 na mga commuter mula Tutuban hanggang Malolos, at makababawas sa travel time.

Saad ni Tugade, nais niyang maging operational na ang proyekto sa third quarter ng 2021.

Aniya, prinoproseso na ng Department of Transportation ang maliit na portion ng right of way acquisition para sa proyekto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?