58

By

Konstruksiyon ng LRT-1 Cavite Extension sinimulan na

Opisyal nang umarangkada ang konstruksiyon ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) Cavite Extension nitong Martes.

Dumalo sa commencement ng LRT-1 Cavite Extension construction sa C5 Highway sa Parañaque City sina Transport Secretary Arthur Tugade, Executive Secretary Salvador Medialdea, Public Works and Highways Secretary Mark Villar at reelectionist Senator Cynthia Villar.

Kasama rin sa event sina Undersecretary for Railways Atty. Timothy John Batan, LRMC President Juan Felipe Alfonso, Japanese Ambassador to the Philippines Koji Haneda at Japan International Cooperation Agency Chief Representative Yoshio Wada.

Sa ilalim ng Cavite Extension project, magkakaroon ng dagdag na istasyon para sa LRT-1: ang Aseana, MIA, Asiaworld, Ninoy Aquino, Dr. Santos, Las Piñas, Zapote, at Niog sa Cavite.

Kaya umano nitong magsakay ng hanggang 800,000 pasahero kada araw.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?