312

Oct 19, 2017 @ 18:17

Konstitusyon, ituro na sa estudyante – Rep. Bag-ao

Isinusulong ni Dinagat Island Rep. Arlene Kaka Bag-ao na ituro na rin sa mga estudyante ang nilalaman ng Konstitusyon.

Sa inihaing House Resolution 6554 o Constitutional Education Bill ni Bag-ao, ipapaloob ang aralin ukol sa Saligang Batas sa curriculum ng Grade 12.

Sabi ng kongresista, ang Grade 12 ay: “Mature enough to be able to comprehend concepts concerning the law and society, but they would still be youthful enough to be infused with the idealism necessary for truly embracing their role as stakeholders of this country’s future.”

Kung maisasabatas ang panukala, ang curriculum ng Grade 12 para sa Constitutional Education ay sasakop sa history at overview ng 1987 Constitution, Nationalism and Sovereignty, State Principles and Policies, gayundin sa Government Institutions and Processes.

Masasakop din dito ang Rights and Duties of Citizens, Democratic Values, Social Justice and Human Rights hanggang sa usapin ng Charter Change.

“In this time when many are talking about charter change and shifting the form of government, we need to ensure that our citizens — especially the youth who will eventually inherit the reins of leadership in this country — are given the opportunity to appreciate and understand our current Constitution,” ayon kay Bag-ao.

Katuwiran pa ng mambabatas, hindi lamang ang mga abogado ang dapat na may nalalaman sa batas at sa Saligang Batas kaya mabuting umpisahang ipaunawa na ito sa mga kabataan para alam ng mga ito ang kani-kanilang karapatan. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?