ABANTE-TNT leyte mercado federalism oh
By

Konstitusyon, ‘di kailangang baguhin para sa pederalismo – Mercado

Sharing is caring!

Sapat nang repasuhin ang mga probisyon ng Saligang Batas para sa layuning magpalit ng sistema ng gobyerno tungo sa pederalismo.

Ayon kay Southern Leyte Rep. Roger Mercado, chairman ng House committee on constitutional amendments, hindi na kailangang baguhin o amyendahan ang buong 1987 Constitution para sa federalism.

“My stand is only a revisit and an opportunity to review the provisions,” ani Mercado.

“Kung titignan natin ang provisions, hindi dapat i-tamper or baguhin or i-amend. We will not touch on it. We will only touch on very specific provisions that’s needed in order that our system can run efficiently,” dagdag ng kongresista.

Sa isinusulong na pagconvene ng Senado at Kamara sa constituent assembly (ConAss), aamyendahan ang Konstitusyon at lilikha ng bagong federal charter para sa itatatag na federal government.

Pero para kay Mercado, hindi naman talaga kailangan ng drastic revision.

“Ang atin lang ay mga specific, surgical changes to adapt to the present conditions. Kasi nga 30 years old na itong Constitution,” pahayag ng mambabatas.

Kaugnay nito’y amenable naman anya ang mga kongresista sa separate voting kung ayaw ng mga senador ng joint voting sa ConAss.

“Yes. We are willing. That is my personal view after I have talked to other members na wala naman silang problema. Nangyari na yan sa martial law extension and yong pagbigay ng martial law powers ni Pres. Duterte sa Mindanao,” sabi ni Mercado. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?