32

Jun 13, 2021 @ 22:11
By

Konsehala, binoga sa Bukidnon

Napatay nitong Sabado ang isang konsehal sa Talakag, Bukidnon matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa Barangay San Antonio.

Kinilala ang biktima na si konsehala Susan Gayonan.

Batay sa paunang imbestigasyon, dalawa ang suspek na bumaril kay Gayonan at parehas nakasuot ng jacket at pantalon.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang limang cartridge cases ng calibre .45 pistol, isang magazine na may anim na live bullet at isa pang armas.

Samantala, may dalawa pang kasama si Gayonan na kinilalang sina Dona Mae Timtim at Luther Joey Bustillo, na pawang mga pamangkin ng biktima.

Pinagbabaril din ng mga suspek sina Timtim at Bustillo subalit nabuhay pa sila at kasalukuyang nagpapagaling sa pagamutan.

Ipinag utos namang ng alkalde ng bayan na si Mayor Vergito Factura ang mabilis na imbestigasyon sa nangyari.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?