43

By

Konsehal sumakay ng kabayo papunta sa trabaho

Sharing is caring!

Sumakay si Indigenous Peoples Mandatory Representative (IPMR) Datu Radin Igwas sa kaniyang kabayo patungo sa Sangguniang Panglungsod building sa Kidapawan City, Cotabato.

Sa isang panayam sinabi ni Igwas na napilitan siyang sumakay ng kabayo patungo sa trabaho dahil nag-issue umano ng memorandum si Mayor Joseph Evanghelista na nagtanggal sa kaniyang service vehicle. Ang pag-issue umano nito ng memorandum ay dahil sa pagtanggi ni Igwas na suportahan ang kandidatura ng alkalde.

Ipinaliwanag naman ni Igwas na wala siyang sinumang politiko na sinusuportahan dahil ipinagbabawal ito ng batas.

“As IPMR (representative), I’m supposed to be apolitical.” saad nito.

Nitong Oktubre 28 ay nagpadalang muli si Evanghelista ng memo kay Igwas na nagsasabing umalis ito sa kaniyang opisina dahil gagawin na itong opisina ng Deputy Mayor for Indigenous Peoples (IP).

Ang pagtanggal kay Igwas ng kaniyang service vehicle ay hindi umano hadlang upang gawin niya ang kaniyang trabaho.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }